Bumuo na ang senado ng special committee para tumutok sa muling pagbangon ng Marawi City.
Sa pamamagitan ng Senate Resolution 457 binuo ang Senate Special Committee on Marawi para tumutok, mag aral, mag imbestiga at sumuri sa lahat ng bagay na may kinalaman sa rebuilding ng naturang syudad.
Pangungunahan ni Senator Gringo Honasan ang komite habang magsisilbing miyembro nito sina Senador Panfilo Lacson, Senador Grace Poe, Senador JV Ejercito at Bam Aquino.
By Rianne Briones