Tututukan ng pamahalaan ang usapin hinggil sa isyu ng lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex at asexual matapos maglabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng executive order na lumikha ng isang espesyal na komite.
Sa ilalim ng EO 51 na pinirmahan ni Pangulong Marcos, ang Special Committee on LGBTQIA+ Affairs, na sasailalim sa reconstituted diversity and inclusion committee ay pangungunahan ng isang chairperson na may ranggong undersecretary at magkakaroon ng tatlong miyembro na may ranggo ng assistant secretary.
Mamimili ang pangulo ng tagapangulo at mga miyembro ng espesyal na komite mula sa mga kilalang organisasyon na kumakatawan sa komunidad ng LGBTQIA+.
Pangungunahan ito ng Department of Social Welfare and Development secretary at co-chaired ng mga kalihim ng DMW at ng DOLE.
Magsisilbi ring vice chairperson ang kalihim ng Department of the Interior and Local Government.