Inihayag ng Department of Health (DOH) na idadaos sa Marso a-29 hanggang a-31o ang special COVID-19 vaccination days sa Cebu.
Una rito, sinabi ng DOH na plano nilang magsagawa ng special vaccination days sa mga lugar na may mababang immunization coverage.
Samantala, tinatalakay pa ng ahensya ang pagdadaos nito sa iba pang targeted areas tulad ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).