Tinitignan ng Commission on Elections (COMELEC) na magsagawa ng special elections sa bayan ng Tubaran, Lanao Del Sur sa May 24.
Ito ay dalawang linggo matapos na i-report ang failure of elections sa nasabing probinsya.
Ayon kay Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco, 12 barangay sa Tubaran ang may naiulat na karahasan, pagbabanta at iba pa noong eleksyon.
Kabilang sa mga barangay na ito ang Tangcal, Datumanong, Guiarong, Baguiangun, Wago, Malaganding, Gadongan, Riantaran, Pagalamatan, Mindamunag, Paigoday-Pimbataan at Metadicop.
Maliban sa Tubaran, nagdeklara rin ng failure of elections ang ilang barangay sa bayan ng Binidayan at Butig, Lanao Del Sur.
Samantala, sinabi ni Laudiangco na hindi na kailangan na magdala ng special ballots at Vote Counting Machines (VCMs) sa bayan ng Tubaran dahil nasa Comelec ang lahat ng ito.