Kasado na ang Special Elections sa ika-7 distrito ng lalawigan ng Cavite sa Pebrero a – 25 ng susunod na taon para sa nabakanteng puwesto ni dating Congressman at ngayo’y Justice secretary Boying Remulla.
Ayon kay Comelec spokesman, Atty. John Rex Laudiangco, automated ang halalan sa nasabing distrito kaya’t nakahanda silang mag-imprenta ng balota.
Isasagawa naman ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) sa Disyembre a – 5 hanggang a – 6.
Magsisimula anya ang Election Period sa January 26 at tatagal hanggang March 12, 2023 kaya’t magpapatupad ng mga pagbabawal at iba pang regulasyon, gaya ng Gun Ban.
Samantala, magsasagawa naman ng Plebisito sa Baliuag, Bulacan sa December 17 upang alamin ang pulso ng mga mamamayan kung pabor silang gawin nang lungsod ang kanilang bayan.
Nagsimula ang Plebiscite Period noong November 24 at tatagal hanggang December 24.