Naging mapayapa sa pangkalahatan ang ginanap na special elections sa ilang bahagi ng Mindanao partikular sa western Mindanao kagaya ng Lanao at Jolo.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, tinutukan ng AFP ang western Mindanao kung saan maraming insidente ng karahasan bago at sa araw mismo ng halalan noong Mayo 9.
Maganda aniya ang kinahinatnan ng special elections noong Sabado at nagkaroon ng pagkakataon ang mga botante na makarating ng mapayapa sa mga presinto para makaboto.
Partikular na tinukoy ni Padilla ang Pata island kung saan isang araw bago ang halalan ay nagkaroon ng sagupaan ang dalawang grupo ng magkalaban na mayoralty candidates doon.
By: Mariboy Ysibido