Kasado na ngayong araw ang idaraos na special elections sa 12 barangay sa Bayan ng Tubaran, Lanao del Sur.
Ayon kay Teofisto Elnas, Deputy Executive Director for Operations ng Commission on Elections, 6, 921 rehistradong botante ang lalahok sa special polls.
Nakadeploy na rin ang Contingency Vote Counting Machines at SD cards sakaling magkaroon ng aberya.
Samantala, aabot sa 60 pulis ang idineploy sa lalawigan upang magsilbing Special Board of Election Inspectors.
Nagpulong naman ang AFP, PNP, Field Operations Group ng Project Management Office at Gun ban and Security Concerns Committee para sa security plan sa halalan.