Kasado na ang special elections sa 12 barangay sa Tubaran sa Lanao del Sur sa Mayo 24.
Ito ay matapos aprubahan ng Comelec en banc na pinangungunahan ni Atty. Saidamen Pangarungan ang Comelec resolution 22-0165.
Ayon kay Atty. Ray Sumalipao, Director ng Comelec- BARMM, magkakaroon ng tatlong clustered precints sa 15 polling precints sa Tubaran.
Ang tatlong clustered precints ay ang Tangcal Elementary School sa Barangay Tangcal, Tubaran Elementary School at Bumbud Elementary School sa Poblacion Tubaran.
15 Contingency Vote Counting Machine at SD cards ang inihanda para sa special election.
Ang canvassing area para sa BARMM special election ay gagawin sa isang designated area sa Lanao del Sur Provincial Capitol ng Marawi City.
Ang Tubaran ay may 11, 557 registered voters kung saan 6, 921 ang inaasahang boboto.