Nakatakdang talakayin ng Korte Suprema sa isang special en banc session ang resulta ng 2016 Bar Examinations.
Sa nasabing deliberasyon, inaasahang pagpapasiyahan ng mga mahistrado ang passing rate sa naturang pagsusulit at susundan ng pagpapalabas ng resulta ng mga nakapasa.
Sa prediksyon ni Associate Justice Presbitero Velasco, ang Chairman ng 2016 Bar Examinations, aabot sa 40 hanggang 45 percent ang papasa sa mahigit 6,800 kumuha ng pagsusulit.
Idaraos ang en banc session matapos ang summer session ng mga mahistrado sa Baguio City sa Mayo 2 ng taong kasalukuyan.
By Krista de Dios | Report from Bert Mozo (Patrol 3)