Magkakasa ng special hearing ang ilang komite ng Kamara para mabawasan ang hirap ng publiko bunsod ng sunod-sunod na taas-presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, nakatakdang magsagawa ng pagdinig ng kaniyang komite sa Lunes, Marso 7.
Maliban dito, magkakaroon din ng pagpupulong ang ilan pang komite gaya ng Committee on Economic Affairs; Energy; at Transportation.
Isasalang sa pagdinig ang mga paksang gaya ang epekto sa ekonomiya ng krisis sa gasolina, pagtaas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin, at epekto sa agrikultura, supply at demand, transportasyon.
Dagdag pa ni Salceda, nakalatag pa rin sa kanilang agenda ang usapin sa mungkahing pagsususpinde ng fuel excise tax.—sa panulat ni Abie Aliño-Angeles