Dapat magkaroon ng special hospital para sa mga public school teacher at kanilang mga dependent.
Ito ang iminungkahi ni Senator Francis Tolentino na nakasaad sa Senate Bill 403 na ipinako-convert bilang “National Teachers Medical Center” ang nakatayo ngayong East Avenue Medical Center sa Diliman, Quezon City.
Ang nabanggit na ospital ay may libreng medical facility para sa hospitalization at medical care ng mga guro sa lahat ng antas sa pampublikong paaralan.
Ang lahat naman ng mga regional hospitals sa labas ng Metro Manila ay ipinaglalaan ng special ward para sa mga guro at mga dependent na nasa lalawigan.
Bukod sa mga guro ay saklaw rin ng special hospital para sa mga pampublikong guro ang mga non-teaching personnel tulad ng guidance counselor, school supervisor, administrative support employee at medical staff.