Bumuo na ng special investigating team ang Presidential Task Force on Media Security para tumutok sa pagpatay sa isang radio broadcaster sa Dumaguete City sa Negros Oriental sa Nobyembre.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, tumatayong chairman ng naturang task force, maglalabas sila ng kautusan para pormal na paglikha ng team na magiimbestiga sa kaso ng pamamaslang kay Dindo Generoso.
Plano rin ng kalihim na pakilusin ang National Bureau of Investigation para tumulong sa gagawing imbestigasyon sa kaso kung kinakailangan.
Matatandaang kanina lamang umaga nang pagbabarilin ng nag-iisang gunman si Generoso habang lulan ng kanyang sasakyan papasok sa istasyon.