Bumuo na ang Philippine National Police (PNP) ng Special Investigation Task Group Oldan na mag-iimbestiga sa pamamaslang sa driver at assistant cameraman ng CNN Philippines.
Sa panayam ng DWIZ, tiniyak ni Cavite-PNP Spokesman Col. Albert Tapulao na titignan nila lahat ng anggulo sa pagpatay kay Jonathan Oldan.
Si Oldan ay nagtamo ng 7 tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
“Ang Cavite-PNP ay nagtalaga na po ng SITG Oldan, ang mga miyembro po dito ay CIDG, City Chief of Police, Provincial Director at iba pang opisyales ng Cavite PNP at kinakailangan po natin ito para mapagpatibay natin ang mga ebidensiya para sa agarang pagresolba ng pangyayaring ito.” Pahayag ni Tapulao.
By Meann Tanbio | Kasangga Mo Ang Langit