Bumuo na ng special task group ang EPD o Eastern Police District para imbestigahan ang pagkamatay ng 29 anyos na negosyanteng sumailalim sa tatlong cosmetic surgeries sa Mandaluyong City.
Sinabi ni EPD Director Chief Supt. Romulo Sapitula na ang Special Investigation Task Group Shiryl Saturnino ay bubuuin nina Deputy Director for Operations Senior Supt. Marcelino Pedrozo, dalawang doktor mula sa Philippine National Police o PNP Crime Laboratory, isang team ng medical experts, Mandaluyong Police Chief Senior Supt. Joaquin Alva at investigation team nito.
Ayon kay Sapitula, magpapatulong sila sa medical experts para matukoy kung nagkaroon ng negligence o anumang pagkakamali ang Icon Clinic.
Aalamin din aniya nila ang epekto nang sabay-sabay na pagsasagawa ng multiple surgeries at kung normal lang bang gawin ang mga ito ng madaling araw.
By Judith Larino
Photo Credit: CNN Philippines