Isang special meeting ang itinakda sa Lunes, January 13 ng house committee on overseas workers affairs.
Tatalakayin sa nasabing special meeting ang kaso nang pagpatay kay OFW Jeanelyn Villavende sa Kuwait.
Tututukan din sa pulong ang sitwasyon ngayon ng mga OFW sa Iraq at iba pang bansa sa gitnang silangan.
Inimbitahan sa special meeting ang mga kinatawan mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno tulad ng DFA, DOLE at OWWA.