Idineklara bilang special non-working day ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang November 1, 2022, ngayong araw bilang pagbigay daan sa paggunita ng Undas 2022.
Ayon sa DOLE, karapatan ng mga manggagawa kung kanilang i-aavail ang nasabing holiday bilang bakasyon o makakuha ng karagdagang suweldo.
Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ang mga empleyadong mas piniling magtrabaho ngayong araw ay tatanggap ng karagdagang 30% sa kanilang regular na arawang suweldo para sa unang walong oras ng kanilang trabaho.
Para naman sa mga empleyadong nagtrabaho ng lampas sa walong oras, ay babayaran ng karagdagang 30% ng hourly rate.
Samantala, ang mga empleyado naman na magtatrabaho para sa special working day o All Soul’s Day, ay babayaran ng karagdagang 50% basic wage sa kanilang unang walong oras na trabaho at karagdagan pang 30% ng hourly rate para naman sa serbisyo na lampas sa regular na oras ng kanilang trabaho.