Idineklara ng Malakanyang bilang Special Non-Working Holiday ngayong araw sa Bayan ng Calaca, sa probinsya ng Batangas.
Bilang pagbibigay-daan ito sa pagsasagawa ng plebisito para sa panukalang gawing siyudad ang Munisipalidad ng Calaca.
Sa Proclamation no. 51 na inilabas nitong September 2 at nilagdaan ni Executive Secretary Victor Rodriguez, papayagan ang mga residente ng Calaca na aktibong dumalo sa plebisito at makaboto.
Noong May 26, 2021 unang nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act no. 11544 na gawing siyudad ang Calaca.
Plebisito ang natitirang gawain upang maging epektibo ang panukala.