Karagdagang 639 special permits para sa provincial buses ang inilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa gitna nang pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday season.
Ayon kay LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano, pawang papuntang North at South ang inilabas na special permits.
Bagaman sarado na anya ang aplikasyon para sa special permit, magpapalabas sila ng mas maraming special permits sakaling kailanganin para sa karagdagang units sa bus operations.
Tiniyak naman ni Bolano na manageable pa ang sitwasyon sa bus terminals sa harap ng patuloy na pagdagsa ng mga pasahero dalawang araw bago mag-pasko.