Nagbigay na ng special permit ang LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board para sa mga pampasaherong bus na bibiyahe ngayong papalapit na undas.
Ayon kay LTFRB Board Member at Spokesperson Atty. Aileen Lizada, 420 applications ang kanilang natanggap at inaprubahan na katumbas ng 1040 mga bus.
Ngunit ipinaliwanag ni Lizada na kailangang lagyan ng limitasyon ang pagbibigay ng special permit upang hindi naman maapektuhan ang ibang ruta lalo’t karamihan sa mga ito ay city buses na bibiyahe sa mga lalawigan.
Batay sa bilang, 616 na mga bus biyaheng norte ang binigyan ng special permits, 295 naman pabiyaheng Southern Luzon habang 96 naman ang pinayagang makabiyahe patungong Bicol region.
Epektibo ang naturang special permits mula Oktubre 30, Lunes at magtatagal naman hanggang Nobyembre 3, Biyernes.