Naglatag na ang pamahalaan ng terminal justice sa paliparan.
Ayon kay Department of Justice (DOJ) Spokesman Emmanuel Caparas, nagtalaga na ang kanilang ahensya ng mga special prosecutor sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Paliwanag ni Caparas, ito’y upang makapagsagawa agad ng on-the-spot inquest proceedings partikular sa mga kaso ng mga nahuhulihan ng ammunition o ang mga hinihinalang biktima ng tanim-bala.
Sinabi ni Caparas na noong nakaraang linggo pa idineploy ang mga piskal sa paliparan upang masawata na ang naturang extortion scheme.
Ang hakbang ay ginawa ng DOJ kasunod na ng alok na libreng legal assistance ng Public Attorney’s Office o PAO para sa mga biyahero.
By Jelbert Perdez