Hinimok ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga may kapansanan na lumahok sa kanilang special registration bukas, Hulyo 17, sa SM Malls sa Metro Manila.
Ayon sa COMELEC, ito ay bilang pakikibahagi sa National Disability Prevention and Rehabilitation Week.
Ang mga sattelite booth ng COMELEC para sa PWDs ay bukas mula alas-10:00ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
By Katrina Valle | Aya Yupangco (Patrol 5)