Target ng Department of Health (DOH) na maibigay simula bukas ang special risk allowance o SRA ng karagdagang higit sa 20,000 na mga health workers sa bansa.
Ayon kay health secretary Francisco Duque III, inaasahan ngayong araw mailalabas ang higit sa P300 milyong .
Paliwanag nito na ang naturang halaga ay mula sa miscellaneous and personnel fund ng Budget Department para sa SRA ng mga health workers.
Bago nito ay nakapagpalabas na ng P10.33 bilyong pondo noong Setyembre 2021 hanggang nitong Hunyo 2021 para sa 685,431 na mga medical workers.