Hindi pa rin nakatatanggap ng kanilang special risk allowances ang mga health workers na nangunguna sa laban ng bansa kontra COVID-19.
Ito ang nabunyag makaraang magsagawa ng protesta ang mga kasapi ng All UP Workers Union sa University of the Philippines-Philippine General Hospital sa Maynila dahil sa hindi pa nababayaran ang kanilang COVID-19 hazard pay at risk allowance.
Anila, anim na buwan matapos ang alisin ang enhanced community quarantine dulot ng pandemya ay hindi pa rin nila nakukuha ang kanilang allowances.