Isa nang Impeachment Court ang Senado kahit sa panahon ng recess alinsunod sa mandato nito sa ilalim ng konstitusyon.
Bunsod nito, naniniwala ang isang miyembro ng House Prosecution Panel na hindi na kailangan na magpatawag ng special session ang pangulo para masimulan ng Senado ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni San Juan Rep. Ysabel Maria Zamora na isa ring Abogado na malinaw din sa saligang batas na dapat agad na isagawa ang impeachment trial.
Kinatigan din ng kongresista ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi makikialam dahil binigyang-diin nito ang prinsipyo ng paghihiwalay ng kapangyarihan sa pagitan ng mga sangay ng pamahalaan.
Samantala, kinumpirma ni House Assistant Majority Leader Jil Bongalon ng Ako Bicol Party-List na hindi pa natatanggap ng kamara ang kopya ng petisyong isinampa ng kampo ng bise presidente upang kuwestyunin ang impeachment proceedings.
Kasabay ng pagtiyak na handa namang tumalima sa kamara sa nasabing kautusan ng kataas-taasang hukuman sa oras na matanggap na ito.