Naghahanda ang mababang kapulungan ng Kongreso na pagdaraos ng special session para sa paglalatag ng contigency plan kaugnay sa tumitinding tensiyon sa Middle East.
Ayon kay House Majority Martin Romualdez, hinihintay na lamang nila ang pormal na komunikasyon ng Malakanyang ukol dito.
Mahalaga aniya ito upang mabigyan sila ng patnubay sa kanilang isasagawang sesyon.
Tiniyak ni Romualdez sa mga pamilya ng mga OFW na makikipagtulungan ang kongreso sa ehekutibo para matugunan ang pagnanais ng Pangulo na masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipino sa gitnang silangan.
Una nang inatasan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang house secretariat na maghanda para sa gagawing special session.