Isinusulong ni Senador Bong Go ang pagkakaroon ng special session sa Kongreso.
Ito, ayon kay Go, ay upang maaprubahan ang panukalang supplemental budget para sa pagtugon ng gobyerno laban sa krisis na dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Irerekomenda niya aniya ito kay Pangulong Rodrigo Duterte sakaling hindi sumapat ang kasalukuyang pondo para rito.
Magugunitang aprubado na ng House Committee on Appropriations ang P1.6-bilyong pondo para tugunan ang pagkalat ng virus, ngunit bigong maipasa ng Kongreso bago ang kanilang Lenten break.
March 12 pa nang magrecess ang kongreso at nakatakdang magpatuloy ng kanilang sesyon sa darating pang May 4.
Tiniyak ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na sapat ang pondo ng Pamahalaan para tugunan ang mga kaso ng 2019 Coronavirus Disease o COVID 19 sa Pilipinas
Ito’y sa harap na rin ng nararanasang krisis pangkalusugan ng bansa sanhi ng pagtaas ng mga kaso ng nagkakasakit dulot ng naturang virus
I mentioned last week that PAGCOR can provide an additional P2 billion. P420 million from PCSO will also be allocated based on a proclamation issued by the President. There is also around P539 million in DOH savings and P81 million from the DOH Quick Response Fund that can be utilized. We also have available Contingency Funds and NDRRMC funds as standby sources when needed. Additionally, the declaration of a State of Public Health Emergency allows LGUs to utilize their local disaster risk reduction management funds (LDRRMF) under RA 10121.” ayon kay Sen. Go.
Kasunod nito, sinabi ng Senador na kaniyang susuportahan ang isinusulong na Special Session ng Kongreso para tuluyan nang maaprubahan ang Supplemental Budget kung kailangan.
If the above mentioned sources prove insufficient, I will recommend to the President that he may call for a Special Session so that Congress can deliberate on the need to approve a supplemental budget, “ ani Go.
Nanawagan din si Go sa publiko na makiisa, magtulungan at buhayin ang diwa ng bayanihan ngayong panahong ito na humaharap ang bayan sa matinding krisis pangkalusugan
I appeal to the private sector—the industry players, business leaders, foundations and the like—to join hands and combine our efforts as we fight COVID-19 as one nation, as one people. Threats of COVID-19 to the safety and lives of our people continue to grow. While the government is doing its best, we can help contain the spread of the infection if we adopt a whole-of-society approach.” Saad pa ng Mambabatas.
“Maraming pwedeng maitulong ang pribadong sektor para mapagaan ang hirap ng ating mga kababayan. Ito ang iilan sa aking mga apila sa pribadong sektor:
- -Release 13th Month Pay: Kahit prorated lang, malaking tulong na iyan sa ating mga kababayan habang naka-community quarantine.
- Moratorium on Rental Fees for renters and tenants: Ipagpaliban po muna sana ang upa ng mga tindahan pati na rin ang mga stalls na pribadong pagmamay-ari at ng gobyerno.
- One month reprieve on bills payments from Basic Utility Providers: Gawan po natin ng paraan na mapagaan ang gastusin ng mga mahihirap habang nasa krisis ang buong mundo.
- Big Businesses Should Help Small and Medium Scale Enterprises: Tulungan sana ng mga malalaking kompanya ang mga maliliit na negosyante na hindi mamatay ang kabuhayan nila.
- Impose Work from Home and Flexible Work Schedule: Kung maaari, huwag na natin papasukin ang ating mga empleyado sa opisina lalo na kung kaya naman magampanan ang trabaho nila mula sa bahay sa pamamagitan ng teknolohiya.
- Limit Essential Travels Only and Encourage Everyone to Stay at Home: Ang prayoridad natin ngayon ay ang kaligtasan ng lahat. Magtulungan po tayo na maiwasang mahawaan ng sakit ang ating kapwa.
Kasunod ng mga apila kong ito, nakausap ko si DOF Secretary Carlos Dominguez at magkakaroon daw siya ng meeting kasama ang mga business leaders para mapagusapan ang iba’t ibang mga hakbang na gagawin upang makatulong sila sa mga maliliit na negosyante at mapagaan ang hirap na dulot ng krisis na ito sa mga ordinaryong Pilipino. “
Nagpasalamat naman si Go sa mga nagbigay ng Tulong at donasyon para tugunan ang mga pangangailanagan ng sektor ng medisina lalo na ng mga biktima ng sakit.
Meron ng mga nagpahayag ng kanilang intensyong tumulong sa ngayon, katulad ng mga alcoholic drinks manufacturers na may malakihang donasyon ng denatured alcohol para magamit ng ating mga ospital, mga kumpanya ng langis na magtatabi ng P1-2 kada litrong nabebenta at mga casino na magtatatag ng kani-kanilang mga foundations upang makalikom ng pondong itutulong sa ating mga kababayan,” ani Go.
Taus puso po akong nagpapasalamat sa inyo. Hinihikayat ko din ang ibang merong malasakit sa kapwa na mag-ambag ng tulong para sa ating mga mamamayan.
Marami na tayong napagdaanan na mga delubyo at trahedya subalit dahil sa ating pagkakaisa, pagdadamayan at pagmamalasakit sa isa’t isa, nalampasan natin ang mga ito. Ngayon, muli na namang sinusubok ng sakit na ito ang katatagan ng ating pagiging Pilipino. Magkaisa at magbayanihan po tayo! — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)