Bumuo na ng special investigation task force ang Quezon City Police District (QCPD) para imbestigahan ang pananambang sa isang opisyal ng BIR o Bureau of Internal Revenue.
Ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, Hepe ng QCPD, naglaan na rin ng dalawandaan at limampung libong (250,000) pisong pabuya ang mga kaibigan ng biktimang si Albert Enriquez para sa sinumang makapagbibigay ng tamang impormasyon para mahuli ang mga suspects.
Sinabi ni Eleazar na sa ngayon ay ikinukunsidera nila ang lahat ng posibleng motibo sa krimen.
Gayunman, nakatutok anya sila sa koneksyon ng pagpatay kay Enriquez sa kanyang trabaho bilang assessment section chief ng BIR .
Matatandaan na si Enriquez ay binaril ng riding in tandem sa harap mismo ng tanggapan ng BIR sa Quezon City.
‘Isa ito sa mga tinututukan natin kaya we are interviewing ‘yung kanyang mga kasamahan sa trabaho at dahil siya ay assessment section chief ng RDO 28 which caters sa area ng Novaliches, mayroon na rin tayong panayam na ginawa sa kanyang immediate superior at sa kanyang mga subordinate.’ pahayag ni Eleazar sa panayam sa DWIZ.
By Len Aguirre
Special task force para imbestigahan ang pananambang sa isang BIR official binuo na was last modified: June 15th, 2017 by DWIZ 882