Nilinaw ngayon ng Philippine National Police (PNP) na wala silang ibinibigay na special treatment sa eastern Visayas drug lord na si Kerwin Espinosa.
Ito ang pahayag ng PNP makaraang isiwalat ni dating Albuera Chief of Police, Chief Inspector Jovie Espenido na nakagagamit pa rin umano ng cellphone si Espinosa kahit pa nasa kustodiya na ito ng Pambansang Pulisya.
Ipinaliwanag ni PNP Spokesman Senior Superintendent Dionardo Carlos na permiso lang mula sa PNP-AIDG ang kailangan ni Espinosa para makagamit ng cellphone.
Sa kabila nito, tiniyak ni Carlos na kanila pang kukumpirmahin mula sa AIDG kung totoong gumagamit nga ng cellphone si Espinosa.
By Ralph Obina