Inihayag ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP na hindi nila ibibigay ang special treatment at preferential attention para sa pharmally executive.
Ayon kay BJMP Spokesman Chief Inspector Xavier Solda, pantay-pantay ang pagtrato o pagbibigay ng malasakit ng mga tauhan ng BJMP sa lahat ng Persons Deprived of Liberty o PDL.
Wala ring hiwalay na pasilidad ang dalawa maliban na lang sa mga isolation facility na nakalaan para sa mga bagong pasok na PDL bilang bahagi ng health and security procedures kung saan, matapos ang sampu hanggang labing apat na isolation ay ililipat na ang dalawa sa mga selda kasama ang iba pang mga preso.
Matatandaang tinanggihan ng mga pharmally officials na ipakita ang mga dokumentong kakailanganin sa imbestigasyon ng senado kaugnay ng sinasabing overpriced face mask at face shield na binili ng Pamahalaan. —sa panulat ni Angelica Doctolero