Nagpatupad ng special trips ang Philippine National Railways (PNR) sa mga lugar na ligtas nang daanan ng mga tren.
Kasunod ito ng pagtigil ng operasyon noong Sabado bunsod ng mga pagbaha at pinsalang idinulot ni Bagyong Paeng sa ilang lugar sa National Capital Region (NCR) at iba pang lugar sa bansa.
Kabilang sa mga lugar na sakop ng special trips ang Tutuban to Alabang, vice versa; Binañ to Tutuban, vice versa ; Tutuban to Gov. Pascual, vice versa; Gov. Pascual to Bicutan, vice versa; at Naga to Libmanan, vice versa.
Humingi naman ng paumanhin sa publiko ang PNR at tiniyak na agad na maisasaayos ang lahat ng serbisyo at operasyon sa lahat ng kanilang ruta at istasyon.
Sa ngayon, patuloy pang nagsasagawa ng malawakang pagkukumpuni ang mga tauhan ng pnr sa mga riles at tulay mula Biñan hanggang Calamba, San Pablo papuntang Lucena, at Libmanan hanggang Sipocot sa Camarines Sur.