Magtatalaga na ng ‘speed limit’ ang mga lokal na pamahalaan sa kani – kanilang mga kalsada.
Alinsunod ito sa Joint Memorandum Circular 20118 – 001 sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Interior and Local Government (DILG).
Layon nitong maiwasan ang mga aksidente sa kalsada sa pamamagitan ng paghikayat sa mga local government unit o LGU na magpasa ng ordinansa para uriin ang kanilang mga kalsada at magtatakda ng speed limit.
Ipinanukala ang 20 kilometer per hour na speed limit sa mga barangay road o kalsadang masisiskip at maraming tao.
Habang sa highway ay papayagan ang 80 kilometer per hour sa mga kotse at motorsiklo, at 50 kilometer per hour para naman sa mga bus at trak.
Mapaparusahan ang mga lalabas sa ordinansa at maaring mapatawan ng multang hanggang P3,000.00 o posibilidad na ma-impound ang sasakyan at pagkakakulong.