Isinusulong ni Congressman Winston Castelo ang limitadong speed limit sa Batasan-San Mateo road sa Quezon City.
Ayon kay Castelo, dapat magtakda ang MMDA ng 60 kilometer per hour speed limit sa nasabing lugar para hindi na maulit ang aksidente ng isang overloaded truck na nakapatay ng lima katao at nakasugat ng labing apat na iba pa matapos bumangga sa tatlo pang sasakyan.
Iginiit ni Castelo na maaaring maiwasan ang mga aksidente sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga panuntunang pang trapiko at kung ginagawa ng tama ng mga otoridad ang kanilang trabaho.
Kasabay nito, pinapanagot ni Castelo ang mga ito sa naturang aksidente dahil ang ahensya ang responsable sa pagtiyak sa roadworthiness ng mga sasakyan sa pamamagitan ng motor vehicle inspection system.