Inanunsyo ng Spice Girls ang posibilidad na muling mabuo ang kanilang grupo makaraan itong ma-disband noong taong 2012.
Isang larawan sa Instagram ang kanilang ibinahagi sa kanilang mga tagahanga kung saan nakalagay sa caption na nag-enjoy sila sa kanilang bonding.
Noong 90’s ay sumikat ang nasabing POP group na binubuo nina Victoria Beckham, Melanie Brown, Emma Bunton, Melanie Chisholm at Geri Horner.
Ang all-girl group ay nakapagbenta ng 85 milyong albums worldwide at kabilang ang mga Pinoy sa kanilang mga tagahanga.
Huli silang nagtanghal bilang isang grupo noong 2012 sa closing ceremony ng London Olympics.