Tiniyak ni MMDA Officer-In-Charge at General Manager Romando Artes na hindi maitatala ang spike ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng election campaign period.
Ayon kay Artes, sa kabila ng political activities, mga pagtitipon, rallies at motorcades ay walang notable spike sa kaso ng COVID-19 nito lamang dagdaang dalawang linggo.
Nito lamang Lunes, nasa 363 ang bilang ng COVID-19 infections sa Metro Manila kung saan, 16 na lugar sa rehiyon ang nasa Low risk na ng COVID-19 habang isa naman ang nasa Moderate risk.
Plano namang isailalim sa Alert level 1 mula sa Alert level 2 ang sitwasyon sa NCR simula Marso a-1 matapos makapagtala ng 4.64% na positivity rate na mas mababa sa inirekomendang 5% ng World Health Organization (WHO). —sa panulat ni Angelica Doctolero