Nasagip ang isang spinner dolphin matapos magtamo ng sugat sa ulo at katawan malapit sa baybayin ng barangay bula sa General Santos City.
Ayon sa City Environment and Natural Resources Office, maaaring may hinahabol na lamang dagat ang dolphin nang mapadpad sa baybayin at nagtamo ng mga sugat.
Patuloy na ginagamot ang dolphin para maibalik nang maayos sa dagat.
Pinaalalahanan naman ang publiko na huwag paglaruan ang mga marine creature at agad tumawag sa bantay dagat o iba pang mga awtoridad. - sa panunulat ni Maze Aliño-Dayundayon.