Hindi iprinisinta sa Kampo Crame si SPO3 Ricky Sta. Isabel na tinuturing na suspek sa pagpatay sa koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, posibleng sa Lunes na dalhin si Sta. Isabel sa Korte sa Angeles City, Pampanga para sa return of warrant.
Tungkol naman sa seguridad ni Sta. Isabel, sinabi ni Dela Rosa na kung hindi ito natakot mangidnap noon, hindi rin ito dapat matatakot sa kanyang seguridad ngayon.
SPO3 Sta. Isabel nasa kustodiya na nang PNP Anti-Kidnapping Group
Nasa kustodiya na ng PNP Anti-Kidnapping Group si SPO3 Ricky Sta. Isabel, ang itinuturong utak sa pagpatay kay South Korean businessman Jee Ick Joo noong Oktube 18.
Nagtungo sa NBI o National Bureau of Investigation ang PNP-AKG para isilbi ang arrest warrant laban kay Sta. Isabel na nahaharap sa kasong kidnapping for ransom with homicide.
Ang nasabing warrant of arrest ay inilabas kahapon ni Judge Irineo Pangilinan Jr ng Angeles City Regional Trial Court Branch 58 .
Si Sta. Isabel ay nasa ilalim ng protective custody ng NBI sa loob ng limang araw, bago pa man ipag-utos ng korte ang pag-aresto sa kanya.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal