Pinasusuri ni Senador Tito Sotto sa pamunuan ng Pambansang Pulisya ang proseso ng pagtatalaga ng mga tauhan sa mga specialty units katulad ng Anti-Illegal Drugs Group.
Sinabi ito ni Sotto matapos aminin ni PNP o Philippine National Police Chief Director General Ronald dela Rosa na una nang nasangkot sa kidnap for ransom si SPO3 Ricky Sta. Isabel.
Sinabi ni Sotto na mahalagang masuri ang proseso ng recruitment sa pulisya upang matiyak na malinis at hindi naka-depende sa pagiging magkaibigan ng pulis at ng team leader ang pagkuha dito.
Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Ronald Dela Rosa
By Katrina Valle | Report from: Cely Bueno (Patrol 19)
Photo Credit: Senator Ping Lacson / Twitter