Ibinalik na sa kustodiya ng NBI ang pangunahing suspect sa pagdukot at pagpatay kay Jee Ick Joo na si SPO3 Ricky Santa Isabel.
Ayon kay Public Attorney’s Office Chief Percida Acosta, noong Lunes pa ng gabi inilipat sa NBI detention center sa Maynila si Santa Isabel mula sa PNP headquarters sa Camp Crame, Quezon City.
Kasunod ito ng pagpayag ni Judge Irineo Pangilinan Jr. ng Angeles City RTC branch 58 sa mosyon ng PAO na ibalik si Santa Isabel sa NBI dahil sa isyu ng seguridad.
Una nang sinabi ni Santa Isabel na mas ligtas siya sa NBI kaysa sa PNP dahil may mga matataas na opisyal ng kapulisan na aniya’y sangkot din sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante.
By: Avee Devierte