Kinatigan ng Angeles City Regional Trial Court Branch 58 ang kahilingan ng PNP Anti-Kidnapping Group na makulong sa Camp Crame sina SPO3 Ricky Sta. Isabel at SPO4 Roy Villegas, ang dalawa sa mga pulis suspek sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyanteng si Jee Ick Joo.
Ipinabatd ito ni Chief Inspector Mike Datuin, chief investigating officer ng AKG na si Chief Inspector Mike Datuin matapos iharap sa korte sina Sta. Isabel at Villegas para sa proseso ng return of warrant.
Hindi pa matukoy ngayon kung kailan ang petsa ng arraignment ng dalawang pulis.
Samantala, sinabi ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa na walang dapat ikapangamba sa seguridad si Sta Isabel sa poder ng pulisya dahil kasama nitong nakakulong sa PNP Custodial Center ang mga dating Senador ng bansa na sina Bong Revilla Jr. at Jinggoy Estrada
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal