Magsisilbing coach ng team Durant ang Filipino-American coach ng Miami Heat na si Erik Spoelstra sa gaganaping NBA All-Star game sa Pebrero a–20 sa Cleveland, Ohio.
Natanggap ni Spoelstra ang posisyon matapos magtala ang Heat ng kartadang 34-20 na pinakamahusay na record sa Eastern Conference Division hanggang Pebrero a–5.
Si Chicago Bulls Coach Billy Donovan ang nagsilbing contender para sa East pero natalo ang koponan sa score na 119-108 laban sa Philadelphia 76ers noong linggo kaya’t natengga ang Bulls sa standing na 33-20.
Sa ikalawang beses na pagko-coach ni Spoelstra sa All Star, team captain si Durant na star player ng Brooklyn Nets.
Makakaharap naman nina Durant ang team Lebron ni Los Angeles Lakers Superstar at Captain Lebron James sa Western Conference Division at pinangungunahan ni Coach Monty Williams ng Phoenix Suns.
Hawak ng Suns ang kartadang NBA-Best 42-10 record sa Western conference.