Hindi naniniwala si Dennis Principe, Sports Analyst na edad ang dahilan ng pagkatalo ni fighting Senator Manny Pacquiao kay Cuban boxer na si Yordenis Ugas.
Ani Principe, posible aniyang malaki pa ang naging epekto sa laban ni Pacquiao ang hindi nito pagtapak sa boxing ring ng mahigit dalawang taon.
Giit ni Principe, hindi maaaring itulad si Pacquiao sa ibang 40 taong gulang na boksingero.
May kulang, may kulang. Pero ‘yong kakulangan, hindi natin sinasabi na may edad na. Kasi si Manny, hindi mo maikukumpara sa mga kapareho niyang 40 year old fighter. Because unique si Manny. For me ‘yong nakita natin kahapon, kung edad ‘yon, hindi na aabot ng 12 rounds si Manny o baka 9 o 10 rounds hapong hapo na ‘yan. But nakita natin hanggang last round lumalaban pa. So it’s more of inactivity ‘yong naging problema niya.
Si Dennis Principe, Sports Analyst sa panayam sa DWIZ.