Pinadalhan na ng show cause order ng Land Transportation Office (LTO) ang may-ari ng pulang Ferrari na dumaan sa EDSA bus lane.
Ayon kay LTO chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III, hindi kailaman kinukunsinte o kukunsitihin ng ahensya ang mga traffic rule violators, anuman ang kanilang katayuan sa buhay.
Ang EDSA bus lane ay eksklusibong inilalaan para sa mga Public Utility Buses (PUBs), ambulansiya, at marked government vehicles sa panahon ng emergency.
Isiniwalat ni Guadiz na dayuhan ang sports car owner at driver nang mangyari ang insidente.
Nabatid na obligadong lumutang ang may-ari ng luxury car sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office sa Quezon City bandang alas-10:00 ng umaga sa Lunes, Oktubre 24.