Gagawin na umanong regular ng China sa taong 2020 ang paghahatid ng mga turista sa Spratly Islands sa pamamagitan ng cruise ships.
Sinasabing nakapag-operate na ng cruise ang ilang chinese companies sa mga pinag-aagawang isla ngunit tanging mga Tsino lamang ang kanilang pasahero.
Sa ulat ng China Daily, tinukoy ang probinsya ng Hainan na siya umanong magiging daungan ng mga cruise ship.
Giit ni Provincial Tourism Official Sun Xiangtao, lalong magpapaunlad ng Nansha Islands ang turismo sa China.
Bukod sa Pilipinas, kabilang din sa mga claimant sa mga isla sa rehiyon ang Vietnam, Malaysia, Taiwan at Brunei.
By Jelbert Perdez