Pinadapa ng San Antonio Spurs ang Milwaukee Bucks sa score na 123-98 sa harap ng mahigit 14,000 fans sa BMO Harris Bradley Center.
Nagpasabog si Kawhi Leonard ng 24 points habang nag-ambag naman si rookie Jonathan Simmons ng 18 points para sa Spurs.
Nakatulong din sa panalo ng San Antonio ang pinagsamang 30 points nina Lamarcus Alderidge at Tim Duncan na nagpaunat sa win streak ng koponan sa limang laro.
Sina Khris Middleton at Michael Carter-Williams naman ang nanguna sa puwersa ng Milwaukee.
By Jelbert Perdez