Nakatakdang ilipat sa Manila District Jail sa Taguig City mula sa Pasay City Jail ang labingpitong preso na miyembro ng Sputnik gang.
Kasunod ito ng mga nakumpiskang kontrabando ng mga otoridad sa ikinasang oplan greyhound ng mga tauhan ng BJMP, pdea at pasay city police sa Pasay City Jail kung saan pinalabas nila ang isanlibong preso na pinaghubad ng t-shirt at short pants.
Kabilang sa mga andiskubre sa mga kulungan ang kahoy na may pako, ballpen, lapis, lighter, pang ahit at blade bukod pa sa mga tali na ginagamit ng mga preso sa pamimingwit ng mga kontrabando.
Mula sa bintana ng mga selda ay inihahagis ng mga preso palabas ng gusali ang mga tali para makapagpasok ng iligal na gamit.
Ang mga nasabing miyembro ng Sputnik gang ay nangunguna sa mga iligal na gawain sa loob ng pasilidad.