Ibinunyag ng lead scientist sa likod ng Sputnik V COVID-19 vaccines ng Russia na ‘less effective’ o hindi ito ganoon ka-epektibo laban sa South African variant.
Gayunman, sa ulat ng Interfax news agency, sinabi ni Alexander Gintsburg na sobrang bisa ng Sputnik V laban sa iba pang mutation at maging sa original variant ng coronavirus.
Itinuturing din ni Gintsburg ang kanilang bakuna bilang isa sa mga pinaka-mahusay laban sa British variant ng COVID-19.