Inihayag ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na darating rin ngayong buwan ang bakunang Sputnik V mula sa Russia.
Sa ulat sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ayon kay Galvez na posibleng hindi dumating ang Astrazeneca dahil sa pansamantalang ipinatigil ito sa Amerika.
Sinabi rin ni Galvez,sa buwan ng mayo ay maaaring dumating na ang apat na milyong doses ng bakuna mula sa iba’t ibang manufacturer ng bakuna.
Sa May naman po may ine-expect tayong 4-M, 2M sa Sinovac, ito nabayaran na po natin Mr. President itong 3.5 M, na 1.5 sa April at saka 2 million sa May at tayo po ay nag-order ng more or less 1-2 million po na Gamaleya and we are also expecting yung ano po Moderna 194K pero nakita po natin merong paghihigpit sa US ngayon katulad po ng Moderna saka po ng Pfizer, tinitingnan natin ang possible deliveries meron din po tayong inaasahan na deliveries sa Astrazeneca,“ ani Galvez.
Samantala, tiniyak ni Galvez na sa darating na hunyo makakaluwag ang bansa dahil sa inaasahang pito hanggang walong milyong doses ng mga bakuna kontra COVID-19.
And then sa June dito po tayo aangkat ng kaunti sa 7-8 million doses dahil dito po darating ang Astrazeneca na inorder ng private sector so yung 2.6 na order mabibigyan po muna ng 1.3 million Astrazeneca and then meron tayong 4.5 Sinovac and possibly yung COVAX saka yung Pfizer darating din po,“ pahayag ni Galvez.—sa panulat ni Rashid Locsin