Binigyan na ng Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) ang bakuna kontra COVID-19 na Sputnik V ng Russia.
Ayon kay FDA Chief Eric Domingo, maari lamang iturok ang Sputnik V vaccine sa mga edad 18 anyos pataas.
Ito na ang pang-apat na bakunang inaprubahan ng FDA para gamitin sa bansa.
Una nang binigyan ng FDA ng EUA ang Pfizer-BioNTech, AstraZeneca At Sinovac.