Inihayag ng Food and Drug Administration (FDA) na nakumpleto na ng Sputnik V ang mga dokumento para sa kanilang emergency use application o EUA sa Pilipinas.
Ayon kay deputy director general for field operations Dr. Oscar Gutierrez Jr., isasailalim pa sa evaluation ang aplikasyon ng Gamaleya Institute ng Russia.
Matatandaang lumabas sa medical journal na The Lancet na 91.6 % ang efficacy rate ng Sputnik V laban sa coronavirus.