Lumabas sa ikalawang clinical trial data na 95% ang effectivity rate ng ‘Sputnik V’ na coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine na nilikha ng Russia.
Sa inilabas na joint statement ng Russian Health Ministry, Gamaleya Research Center, at Russian Direct Investment Fund, ang mataas na porsyento ng pagiging epektibo ng bakuna at nagmula anila sa paunang data 42 araw makaraang maiturok ang naunang dose nito.
Ayon sa developer ng ‘Sputnik V’, $10 ang halaga ng kada dosage ng bakuna pero ibibigay itong libre sa bawat mamamayan nito.
Mababatid na pumalo sa 22,000 na volunteers ang nabakunahan sa naunang dose ng bakuna, habang higit sa 19,000 naman sa kanila ang tinurukan ng ikalawang dose.